Patakaran sa Nilalaman at Pag-uugali ng User
Mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng aming mga patakaran sa pagpapanatili ng positibong karanasan para sa aming mga user. Mangyaring sundin ang mga patakarang ito kapag ginagamit ang aming mga produkto at serbisyo ("Mga Serbisyo"). Kapag na-notify kami sa potensyal na paglabag sa patakaran, maaari kaming magsuri at gumawa ng pagkilos, kabilang ang paglilimita o pagwawakas sa access ng user sa aming Mga Serbisyo.
Maaari naming baguhin ang mga patakarang ito kaya mangyaring bumalik dito. Gayundin, kapag inilalapat ang aming mga patakaran, maaari kaming gumawa ng mga pagbubukod batay sa mga masining, pang-edukasyon, o pandokumentaryong pagsasaalang-alang, o kapag mayroong ibang mga makabuluhang pakinabang sa publiko mula sa hindi paggawa ng pagkilos.
-
Mga Ilegal na Aktibidad
Huwag gamitin ang aming mga produkto upang lumahok sa mga ilegal na aktibidad o mag-promote ng mga mapanganib at ilegal na gawain.
-
Mga Nakakahamak na Produkto
Huwag magpadala ng mga virus, malware, o anumang ibang nakakahamak o mapanirang code. Huwag magbahagi ng nilalaman na nakakapinsala o gumagambala sa pagpapatakbo ng mga network, server, o ibang imprastraktura ng Google o ng iba.
-
Mapoot na Salita
Ang aming mga produkto ay mga platform para sa malayang pagpapahayag. Ngunit hindi namin sinusuportahan ang nilalaman na nagtataguyod o nagbabalewala sa karahasan laban sa mga indibidwal o pangkat batay sa lahi o etnikong pinagmulan, relihiyon, kapansanan, kasarian, edad, nasyonalidad, status sa pagiging beterano, o sekswal na oryentasyon/pagkakakilanlan ng kasarian, o ang pangunahing layunin ay mag-udyok ng galit batay sa mga pangunahing katangiang ito. Ito ay maaaring delikadong pagbabalanse sa mga sitwasyon, ngunit kung ang pangunahing layunin ay ang atakihin ang isang pinoprotektahang pangkat, hindi na katanggap-tanggap ang nilalaman.
-
Personal at Kumpedensyal na Impormasyon
Huwag ibahagi ang personal at kumpedensyal na impormasyon ng ibang mga tao, gaya ng mga credit card number, kumpedensyal na numero ng pambansang ID, o mga password ng account, nang wala ng kanilang pahintulot.
-
Pag-hijack ng Account
Huwag i-access ang account ng isa pang user nang wala ng kanilang pahintulot. Huwag gamitin ang aming mga produkto para sa mga scam ng phishing.
-
Pagsasamantala sa Bata
Huwag mag-upload o magbahagi ng nilalaman na nagsasamantala o nang-aabuso sa mga bata. Kabilang dito ang lahat ng koleksyon ng imahe na may sekswal na pang-aabuso sa bata (maging ang mga cartoon na larawan) at lahat ng nilalaman na ipinapakita ang mga bata sa sekswal na paraan. Aalisin namin ang naturang nilalaman at magsasagawa ng naaangkop na aksyon, kung saan kasama ang pag-disable ng account at pag-uulat sa National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC) at tagapagpatupad ng batas.
Kung makakita ka ng anumang nilalaman na sa iyong palagay ay nagsasamantala sa mga bata sa ganitong paraan, huwag i-+1, muling ibahagi o magkomento sa naturang nilalaman, kahit na intensyon mong ipaalam ito sa Google. Sa halip, i-flag ang nilalaman sa pamamagitan ng link na ‘Iulat ang Pang-aabuso.’ Kung makakita ka ng nilalaman saan man sa internet, mangyaring makipag-ugnayan nang direkta sa NCMEC.
-
Spam
Huwag mag-spam, kabilang ang pagpapadala ng mga hindi gustong pampromosyon o pangkomersyong nilalaman, o hindi gusto o maramihang pangangalap.
Huwag basta-basta magdagdag ng mga tao sa iyong mga lupon.
-
Pagmamanipula ng Pagraranggo
Huwag manipulahin ang pagraranggo o kaugnayan gamit ang mga diskarte tulad ng paulit-ulit o nakapanliligaw na mga keyword o metadata.
-
Tahasang Sekswal na Materyal
Huwag magbahagi ng nilalamang mayroong kahubaran, mga graphic na kilos ng pakikipagtalik, o tahasang sekswal na materyal. Huwag humimok ng trapiko sa mga pangkomersyong site ng pornograpiya.
Hindi maaaring maglaman ang iyong Larawan sa Profile ng mature o nakakapanakit na nilalaman. Halimbawa, huwag gumamit ng larawan na isang close-up ng puwitan o cleavage ng isang tao.
-
Harassment at Bullying
Huwag mang-harass o mang-bully ng ibang tao. Sinumang gumagamit ng Google+ upang mang-harass o mang-bully ay maaaring maalis ang nakakahamak na nilalaman o permanenteng ma-ban mula sa site. Ang online na harassment ay ilegal din sa maraming mga lugar at maaaring magkaroon ng malalang mga offline na kahihinatnan.
-
Karahasan
Huwag mamahagi ng mga paglalarawan ng graphic o hindi pinahihintulutang karahasan.
-
Pagpapanggap o Nakakapanlinlang na Pag-uugali
Huwag gamitin ang aming mga produkto upang magpanggap na ibang tao.
-
Mga Kinokontrol na Mga Kalakal at Serbisyo
Ang Google+ ay isang lugar kung saan maaaring magtalakay ng maraming paksa, ngunit hindi lahat ng paksa ay naaangkop sa lahat ng edad o bansa. Dahil mahigpit na kinokontrol ang promosyon ng ilang partikular na produkto at serbisyo, gumawa kami ng mga tool upang tulungan kang i-target ang iyong nilalaman sa mga user na naaangkop ang mga edad sa mga tamang market.
Kung nagpo-promote ang iyong nilalaman ng mga kinokontrol na produkto at serbisyo, kabilang ang alcohol, pagsusugal, mga gamot, tobacco, mga paputok, mga armas o mga pangkalusugan/medikal na device, tungkulin mong iaplay ang mga naaangkop na paghihigpit sa edad at heograpiya para sa nilalamang iyon. Kung makatanggap kami ng reklamo na nagta-target ang ganoong nilalaman ng mga audience na lumalabag sa mga naaangkop na batas at regulasyon, maaari naming alisin o paghigpitan ang nakakahamak na nilalaman o account.
Nang ipinapatupad ang mga naaangkop na paghihigpit sa edad at heograpiya, pinapayagan namin ang pagtatalakay at pag-promote ng mga produktong ito, ngunit hindi namin pinapayagan ang pangangasiwa ng pagbebenta ng mga produktong nakalista sa itaas.
-
Mga Contest at Promotions
Huwag direktang magpatakbo ng mga contest, sweepstakes o iba pang mga ganoong promosyon sa Google+, maliban sa mga pamamaraang pauna nang naaprubahan. Para sa karagdagang mga detalye tungkol sa patakarang ito, bisitahin ang pahina ng Patakaran sa Mga Contest at Promotion.
Tungkol sa aming Mga Patakaran at Tuntunin
Karaniwang umaaplay ang mga patakarang ito sa nilalaman na iyong pino-post sa aming Mga Serbisyo. May mga sariling hiwalay na patakaran ang ilang Serbisyo na matatagpuan sa Mga Serbisyong iyon at umaaplay sa iyong paggamit sa mga ito. Ang lahat ng Serbisyo ay nasasaklawan ng naaangkop na mga tuntunin ng serbisyo ng mga ito.
Pag-uulat ng Mga Potensyal na Isyu
Kung makakita ka ng nilalaman o user na pinaniniwalaan mong lumalabag sa mga patakaran sa itaas, paki-ulat ito sa amin gamit ang link na “I-ulat ang Pang-aabuso” (o link na may katulad na pangalan). Matuto nang higit pa tungkol as pag-uulat ng pang-aabuso.