Ang mga bagyo ay mapanganib at maaaring makapagdulot ng malaking pinsala dahil sa bugso ng bagyo, pinsala ng hangin, at pagbaha. Maaaring mangyari ito sa alinmang baybayin ng Estados Unidos o sa alinmang teritoryo sa mga karagatang Atlantiko o Pasipiko. Ang bugso ng bagyo ayon sa kasaysayan ay siyang pangunahing dahilan ng mga pagkamatay dahil sa bagyo sa Estados Unidos.
Maghanda sa mga Bagyo
Alamin ang iyong Panganib sa Bagyo
Ang mga bagyo ay hindi lamang isang problema sa baybayin. Alamin kung paano maaaring mangyari ang ulan, hangin, at tubig kung saan ka nakatira para makapag-umpisa ka ng paghahanda ngayon. Siguraduhin na isaalang-alang kung paano makakaapekto ang COVID-19 sa iyong mga plano. Isaisip na ang iyong pinakamabuting proteksiyon sa mga epekto ng bagyo ay maaaring iba kaysa sa pinakamabuti mong panlaban sa mga sakit, kagaya ng sakit na coronavirus 2019 (COVID-19).
Gumawa ng Planong Pang-Emerhensiya
Siguraduhin na nalalaman at naiintindihan ng lahat ng iyong sambahayan ang yong plano sa bagyo. Talakayin ang pinakabagong patnubay sa Coronavirus (COVID-19) ng Mga Sentro ng Pagsugpo at Pag-iwas sa Sakit (Centers for Disease Control and Prevention/CDC) at kung paano maaaring maapektuhan nito ang iyong plano sa bagyo. Huwag kalimutan ang plano para sa opisina, sa daycare ng mga bata, at saan ka man palaging nagpupunta. COVID-19
Alamin ang iyong Lugar ng Paglikas
Maaaring kailanganin mong lumikas ng madalian dahil sa bagyo. Aralin ang iyong mga rota ng paglikas, magsanay kasama ang iyong samabahayan, mga alagang hayop, at alamin kung saan ka mananatili.
- Sundin ang mga tagubilin mula sa mga lokal na tagapamahala ng emerhensiya, na siyang nakikipagtulungan ng masinsinan sa estado, lokal, tribu, at mga ahensiya at katuwang na teritoryo. Sila ang magbibigay ng pinakahuling mga rekomendasyon batay sa banta sa iyong komunidad at nararapat na mga hakbang sa kaligtasan
- Dahil sa limitadong espasyo na dulot ng COVID-19, ang mga pampublikong silungan ng paglikas ay maaaring hindi pinakaligtas na pagpipilian para sa iyo at sa iyong pamilya. Kung hindi ka nakatira sa isang lugar ng sapilitang paglikas, gumawa ng mga plano na sumilong sa isang lugar sa iyong bahay, kung ligtas na gawin ito. Kung hindi ka makakasilong sa bahay, gumawa ng mga plano na makisilong sa mga kaibigan at pamilya, kung saan magiging ligtas ka at higit na komportable.
- Tandaan na ang iyong palagiang sinisilungan ay maaaring hindi bukas sa taong ito. Itanong sa mga lokal na autoridad ang pinakahuling impormasyon tungkol sa mga pampublikong silungan.
- Kung kailangan mong sumilong sa isang pampublikong silungan, subukin mong magdala ng mga bagay na maaaring makatulong para protektahan ka at ang iba pa na nasa silungan laban sa COVID-19, gaya ng hand sanitizer, mga materyales na panglinis, at dalawang maskara bawat tao. Ang mga batang may edad na mababa sa 2 taon at mga tao na nahihirapang huminga ay hindi dapat magsuot ng maskara.
- Suriin ang mga patnubay ng CDC ukol sa “Pagpunta sa isang Pampublikong Silungan sa Salanta sa Panahon ng Pandemya ng COVID-19”.
Sa mga may Kapansanan
Kung ikaw o sinuman sa iyong sambahayan ay isang indibiduwal na may kapansanan , alamin kung kakailanganin mo ng karagdagang tulong sa panahon ng emerhensiya.
Ihanda ang iyongNegosyo
Siguraduhin na ang iyong negosyo ay mayroong plano ng pagpapatuloy para makapagpatuloy na tumakbo kapag dumating ang sakuna.
Kilalanin ang mga Babala at mga Alerto
Magkaraoon ng maraming paraan para makakuha ng mga alerto. I-download ang FEMA app at tumanggap ng mga totoong alerto mula sa Pambansang Serbisyo ng Panahon (National Weather Service) sa hanggang limang lokasyon sa buong bansa. Mag sign-up sa mga alerto sa komunidad sa iyong lugar at magkaroon ng kamalayan sa Sistema ng Alertong Pang-Emerhensiya (Emergency Alert System/EAS) at ang Alertong Pang-Emerhensiya na Wireless (Wireless Emergency Alert/WEA) na hindi nangangailangan ng pag-sign-up.
Mag sign-up sa mga email updates t sumunod sa mga inakahuling patnubay ungkol sa coronavirus mula sa Mga Sentro ng Pagsupil at Pag-iwas ng Sakit (Centers for Disease Control and Prevention/CDC) at ang iyong lokal na autoriadad upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Suriin ang mga Mahalagang Dokumento
Siguraduhin na ang iyong mga polisa ng seguro at mga personal na dokomento gaya ng ID ay napapanahon. Gumawa ng mga kopya at ilagay ito sa isang digital space na may ligtas na protektadong password (secure password-protected digital space).
Palakasin ang iyong Bahay
Alisin ang mga bara sa mga kanal at mga daanan ng tubig ng ulan, ipasok sa loob ang mga gamit na panlabas, tumingin ng mga pantakip sa bintana (shutters) na pangbagyo.
Maging Handa sa Teknolohiya
Panatilihing puno ang baterya ng iyong cell phone kung alam mo na may banta ng bagyo at bumili ng mga pang-back up na aparato para mapanatiling umaandar ang mga gamit-elektroniko.
Tulungan ang iyong Kapitbahay
Tingnan ang iyong mga kapitbahay, mga matatanda, o iyong maaaring mangailangan ng karagdagang tulong a paniniguro ng mga plano sa bagyo at tingnan kung paano ka maaaring makatulong sa iba.
Mag-ipon ng mga Gamit
Magkaroon ng sapat na mga gamit para sa iyong sambahayan, kasama na ang gamot, mga gamit na pang-disimpekta, mga maskara, mga gamit para sa alagang hayop sa iyong bag na pang-alis o sa likod ng iyong kotse. Pagkalipas ng bagyo, maaaring wala kang paraang makakuha ng mga gamit na ito sa loob ng ilang araw o kahit ilang linggo. COVID-19
- Ang pagiging handa ay makakatulong sa iyo na makaiwas sa mga hindi kinakailangan na pagpaparut-parito at upang maharap ang mga maliliit na mga medikal na isyu sa bahay, mapagaan ang pabigat sa mga kagyat na sentro ng pangangalaga at mga ospital.
- Tandaan na hindi lahat ng tao ay makakayanan na tumugon sa pamamagitan ng pag-iipon ng mga pangangailangan. Para sa mga maaaring may kakayanan, ang pagbili ng mga pangangailangan at unti-unting pag-iipon ng mga gamit habang maaga ay makapagbibigay ng higit na mahabang panahon sa pagitan ng mga paglabas para mamili. Ito ay makatutulong na protektahan iyong hindi makabili ng mga pangangailangan ng maaga sa pandemya at nangangailangang mamili ng madalas. At saka, tingnan kung maiiwasan ang mga produkto na inaprubahan ng WIC para ang mga umaasa sa mga produktong ito ay makakakuha nito.
Pagbalik sa Bahay Pagkalipas ng isang Bagyo
- Makinig sa mga lokal na opisyal para sa mga impormasyon at mga espesyal na tagubilin.
- Mag-ingat habang naglilinis. Magsuot ng damit na may pangproteksyon, gumamit ng nararapat na mga pantakip sa mukha o mga maskara kung naglilinis ng amag o ibang mga basura, at panatilihin ang isang distansyang pisikal na kahit mga anim na pulgada habang nakikipagtrabaho sa ibang tao. Ang mga taong may hika at iba pang kundisyon sa baga at/o immune suppression ay hindi data pumasok sa mga gusali na may mga tulo ng tubig sa loob o paglaganap ng amag na maaaring makita o maamoy, kahit na wala silang allergy sa amag. Hindi dapat makisama sa trabaho ng paglilinis sa sakuna ang mga bata.
- Magpatuloy sa paggawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang iyong sarili laban sa COVID-19 at ibang mga sakit na nakakahawa, tulad ng palagiang paghuhugas ng mga kamay at paglilinis ng mga ibabaw na madalas mahawakan.
- Magsuot ng mga damit na may pangproteksyon at makipagtrabaho sa iba pa.
- Huwag hawakan ang mga kagamitan sa kuryente kung ito ay basa o kung ikaw ay nakatayo sa tubigan. Kung ligtas para gawin, isara ang elektrisidad sa main breaker o fuse box para maiwasan ang shock ng kuryente.
- Iwasan ang paglubog sa tubig ng baha, na maaaring magkaroon ng mga mapanganib na basura. Ang mga electrikal na linya na nakabaon o natumba ay maaari ring magdaloy ng elektrisidad sa tubig.
- Tipirin ang mga tawag sa telepono para sa mga emerhensiya. Ang mga telepono ay karaniwang bagsak o bisi pagkatapos ng sakuna. Gamitin ang mga tekstong mensahe o sosyal medya para makipag-usap sa pamilya at mga kaibigan.
- Idokumento sa litrato ang anumang nasirang pag-aari. Makipag-ugnay sa iyong kompanya ng seguro para sa tulong.
- Maginghanda para sa pamilya, mga kaibigan, at mga kapitbahay na maaaring mangailangan ng makakausap tungkol sa kanilang mga nararamdaman. Maraming mga tao ang maaaring nakakaramdam na ng takot at bagabag tungkol sa coronavirus 2019 (COVID-19). Ang banta ng bagyo ay maaaring makadagdag ng pangamba. Sundin ang mga patnubay ng CDC para sa pamamahala ng pangamba habang may traumatikong kaganapan at pamamahala sa pangamba habang may COVID-19. Maaaring mangailangan ka rin ng makakausap tungkol sa iyong mga nararamdaman. Huwag matakot na makipag-ugnay sa mga kaibigan, pamilya, o mga propesyonal kung kailangan mo ng tulong upang makayanan ang pangamba, bagabag, o kalungkutan.
Mga Bidyo
- Nakahandang Kampanya ng mga Patalastas ng Serbisyong Pampubliko
- Mga Patalastas na Serbisyong Pampubliko para sa Bugso ng Bagyo
- Mga Mensahe sa Kaligtasan sa Bayo na Makukuha sa FEMA
- Mga Mahalagang Bagay na Malaman Bago ang Sakuna
- Kung Tumaas ang mga Alon - Mga Animasyon ng Bagyo
Mga Grapiko
Mga Listahang Makatutulong
Karagdagang Impormasyon
- Pambansang Serbisyo sa Panahon 2020 Linggo ng Paghahanda sa Bagyo
- Pagsasaliksik sa Mga Pagkilos na Protektibo para sa Hurricane
- Coronavirus - Tugon ng Pamahalaans Pederal
- Gamit na Tugon sa Coronavirus ng Ad Counsil
- Sentro ng Sserbisyo ng Mapa ng Baha
- Programa para sa Seguro ng Pambansang Pagbaha
- Mga Mapa ng Panganib ng Pambansang Pagbugso ng Bagyo